THE TRUTH | Ang Anti-Duterte AD na inilabas ng ABS-CBN noon at naging dahilan ng away laban sa Presidente at sa ABS-CBN Networ
Loading...
Tiyak, marami sa atin ang nagulat nang i-ere ng ABS-CBN network ang isang advertisement isang linggo bago magsimula ang presidential election noong 2016, kung saan makikita dito ang ilang mga bata na nagtatanong tungkol sa moralidad ng isa sa mga kakandidato bilang pagka-Presidente, at yun nga ay ang dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Loading...
Habang pinapakita ang ilang mga kontrobersiyal na video clips ni Duterte, tanong din ng mga bata sa naturang advertisement:
“Tama po bang mur4hin ang Santo Papa?”
“Ituro niyo po sa amin ang tama.”
“Mali po ang mamb4stos ng mga babae.”
Marami naman sa mga sumusuporta kay Duterte nang mga panahong iyon ay nag4lit sa advertisement video na inilabas ng ABS-CBN. Kaya naman ang mga ito ay nagpunta pa sa establisyemento ng naturang network sa Davao City at sinasabi na dapat na lamang nilang isara ang kanilang kumpanya dahil sa paninira na ginawa nila sa pamamagitan ng paglabas ng nasabing advertisement.
Loading...
Ilan pa nga sa mga taga-suporta ni Duterte ay nagdala ng fun3ral flowers para sa ABS-CBN.
Ngunit, ito ay itinanggi ng ABS-CBN at sinabi na ang advertisement ay ginawa at binayaran lamang ng dating Senador Antonio Trillanes IV, isa sa mga kilalang kritiko ni Duterte, upang ilabas ang naturang advertisement sa publiko.
Saad ng ABS-CBN sa kanilang pahayag,
“Prior to the airing, ABS-CBN’s ethics committee reviewed the content of the material, which complies with the requirements of the pertinent election laws.”
Loading...
Noong mga panahon ding iyon, dinepensahan rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang kontrobersiyal na advertisement at ipinaliwanag nila na maaaring makakasama o makakabuti para sa isang kandidato ang isang political advertisement.
Ngunit, isa ring video ang nagsasabi na mayroon pang isang anti-Duterte ad na ginawa ngunit ito ay hindi na pinalabas sa telebisyon. Marami naman sa mga netizens ang mas lalo pang nag4lit dahil mas malala pa ang ad na hindi na-ere kumpara sa advertisement na nalabas ng ABS-CBN.
Ngunit, kahit pa man puro hindi magaganda ang inilalabas na mga ad laban kay Pangulong Duterte, hindi ito naging hadlang para sa mga tao na sumusuporta at naniniwala sa kaniya at iboto siya bilang Presidente ng bansa.
Noong taong 2017, nagbigay rin ng paalala si Pangulong Duterte, isang taon matapos niyang maupo bilang namumuno sa bansa, sa ABS-CBN tungkol sa karma na maaari nilang makuha dahil sa ginawa nilang hindi maganda laban sa kaniya.
Loading...
Ani Duterte noong 2017,
“Inquirer, mga bull**** kayo, pati ‘yang ABS-CBN, basura ‘yang inano ninyo. Dapat may magsabi sa inyo ngayon, mga put*** * ninyo, sinobrahan ‘nyo ang kalokohan ninyo.”
Matapos nito, naglabas din siya ng pahayag niya tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at sinabi niya na kahit anong mangyari ay gagawa at gagawa siya ng paraan upang makansela at mapawalang-bisa na ng tuluyan ang renewal para sa prangkisa ng broadcasting network.
Aniya,
Loading...
“[The franchise] has been there for 25 years. Sabi ng batas okay na, only if you adhere to journalistic standards. Ang ginawa ninyo sa amin Estafa, swindling, not only me but Chiz Escudero, marami pa yan. Harap harapan mag kolekta kayo tapos i-Estafa ninyo kami.”
Pagpapatuloy ng Pangulo,
“So I will file a complaint. Congress, no need to renew it. But to operate is something else, so I will point this out, yung basura ninyo, we’ll see.”
Sa parehong taon, pinatutsadahan rin ni Duterte ang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III at sinabi ng Pangulo dito na hindi nila naibalik ang pera na kaniyang ibinayad sa kanila para ipalabas ang kaniyang political advertisement noong 2016 dahil hindi naman nila in-ere ito matapos tanggapin ang bayad.
Ani ng Pangulo,
Loading...
“Gabby Lopez, I paid ABS-CBN P2.8 million… You accepted my money, you never bothered to show my propaganda. After the elections, you didn’t return the money.”
Sa isa namang panayam, sinabi ni Duterte na sinubukan namang ibalik ng ABS-CBN ang pera sa kaniya ngunit ito ay hindi na niya tinanggap dahil huli na ang lahat para dito.
Sa sumunod na taon naman, taong 2018, muling binuksan ni Pangulong Duterte ang usapin tungkol sa issue ng prangkisa ng ABS-CBN.
Saad niya,
“I will not say I am sorry but you should understand me. ‘Yung placement ko na hindi natuloy, tapos nababoy pa ako.”
Loading...
Noong 2019 naman ipinahayag din ni Duterte ang kaniyang di pagkagusto sa ABS-CBN at sinabi na hindi nila makukuha ang renewal ng kanilang prangkisa kahit ano ang gawin nila.
Sabi ng Pangulo,
“Ang inyong franchise mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out.”
Binigyan rin niya ng payo ang ABS-CBN at sinabi na ibenta na lamang ang kanilang kumpanya sa ibang mga negosyante.
Ngayong 2020 naman, dalawang buwan bago matapos ang prangkisa ng ABS-CBN, nagpasa naman ng quo warranto pettition si Solicitor General Jose Calida laban sa naturang network.
Source: Pinoy Trend
Loading...
Loading...
Loading...
No comments: