THE TRUH | Aktor na si Coco Martin may Mensahe sa mga gustong magsara ang ABS-CBN: 'Maliwanagan sana isip ninyo!'
Loading...
Isa si “Ang Probinsyano” actor Coco martin sa mga nananalangin na maisalba sa pagpapasara ang ABS-CBN.
Sinabi din nito na malaki ang kanyang utang naloob sa TV network at sana’y maliwanagan daw ang mga taong nagnanais na ipasara ang istasyon na tumutulong ng malaki sa maraming buhay.
Loading...
Ayon sa kanyang Instagram post:
Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN, natupad ko lahat ng pangarap ko para sa sarili ko at sa aking buong pamilya. Dahil sa sa ABS-CBN, napakaraming tao at pamilya na nabigyan ng oportunidad magkaroon ng maayos na buhay. Sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano, napakaraming taong natulungan, mula sa aming mga artista, staff at crew. Nabigyan ulit ng trabaho lalo na ang mga artista na nawalan ng pag-asa na muling makita ulit sa telebisyon, nagkaroon ulit sila ng pagkakataon para kumita at ituloy muli ang kanilang mga pangarap! 11,000 na empleyado po ang mawawalan ng trabaho kabilang na po ako. Paano na po ang aking pamilya at ang mga pamilya ng lahat ng nagtratrabaho sa kumpanyang ito? Dito po kami umaasa ng aming ikabubuhay.
Sa pagtatrabaho ko sa ABS-CBN ay nalibot ko na halos ang buong Pilipinas at buong mundo upang pasiyahin at pasalamatan ang lahat ng mga Pilipino na tumatangkilik sa aming mga pinalalabas. Gumagawa din po ang ABS-CBN ng mga charity events upang makatulong sa ating mga kababayan. Sa tuwing may sakuna, ang ABS-CBN ginagawa ang abot ng kanilang makakaya upang makatulong sa lahat ng nangangailangan. At ako mismo ang nakasaksi kung gaano kabuti ang hangarin ng ABS-CBN upang makatulong sa lahat ng mga Pilipino.
Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko kung mawawala ang ABS-CBN na naging malaking bahagi ng aking buhay.
Sana po tulungan ninyo kami na ipanalangin na mapukaw ang puso at maliwanagan ang isip ng mga tao na nagnanais ipasara ang istasyon na tumutulong ng malaki sa maraming buhay!
Loading...
Loading...
Loading...
sana maliwanagan ang mga lopezes na hindi maipasara ang abs cbn
ReplyDeleteyou are my favorite among all the actors Coco, pero sa daming mali na ginawa ng abs-cbn at sa laki ng utang nito at sa pagiging bias sa kanilang mga balita, i think isa yan sa dahillan kaya mahihirapan na itong pab bigyan, 2018 pa nag bibigay ng warning si President Du30, pinakita sa tv kong gaano kalaki ang utang ng channel 2 na dapat bayaran nila, pero walang ginawang action ang mga Lopezes, ang ibang channel nagbabayad religiously, pero ang channel 2 na subra ang laki ng kinikita ay hindi nagbabayad since sa time pa ni Corykong...nakakalungkot talaga, dahil ang pinaka favorite kong channel ay ang abs-cbn.
ReplyDelete