SOBRANG GALIT | Aktres na si Kris Aquino may banat sa mga Pilipino “Kalayaang tinatamasa ng bansa, dahil sa sakripisyo ni Ninoy”
Loading...
“And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY.”
Loading...
Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay dahil sa sakripisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.; ito ay ayon sa bunsong anak na si Kris Aquino.
Sa Instagram post ni Kris, sinabi nitong ‘may bayag’ ang ama na isakripisyo ang kanyang buhay para sa kalayaan ng Pilipinas laban sa diktaduryang Marcos.
Loading...
Bahagi ng komento ni Kris ang video clip ng isang panayam sa television sa kanyang ama noong panahon ng Martial Law.
Ginunita ni Kris ang pagbalik sa bansa ni Ninoy noong Agosto 21, 1983 sa kabila ng bantang may mangyayaring masama sa kanya.
Loading...
Matatandaang binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport (ngayo’y Ninoy Aquino International Airport).
Ito ang naging mitsa ng pagsiklab ng mga kilos-protesta laban sa pamahalaang Marcos hanggang sa mauwi ito sa unang EDSA People Power Revolution noong Pebrero 1986.
Loading...
Ang pahayag na ito ng aktres ay kasunod ng paggunita sa ika-85 kaarawan ni Ninoy nitong Nobyembre 27.
Wika pa ni Kris, hindi niya matanggap ang mga kumakalat na ‘fake news’ upang i-rewrite ang kasaysayan ng bansa.
Pinatungkulan din ni Kris ang isang bumabatikos sa kanyang ama sa paggamit nito ng maling grammar sa English. Sinasabing ito’y si PCOO assistant secretary at blogger Mocha Uson
Loading...
Si Asec. Uson ay kilalang kritiko ni Vice-President Leni Robredo at tagasuporta ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, anak ni dating Pangulong Marcos na siyang nagpakulong kay Ninoy.
Source :Abante Tonite
Loading...
Loading...
Loading...
No comments: