BREAKING | CONFIRMED Pres. Duterte pinagbibitiw ang lahat ng mga Opisyales ng Philhealth hanggang 3pm ngayong Lunes
Loading...
Malalaman ngayong hapon kung ano ang magiging kapalaran ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Loading...
Sinabi ni Senator-elect Bong Go na dalawang bagay lamang ang pagpipilian ng mga opisyal ng Philhealth at ito ay ang magbitiw sa puwesto o ma-terminate sa kanilang trabaho.
Dismayado aniya si Pangulong Duterte matapos mabatid na malaking pondo ang nawala sa ahensiya dahil sa “upcasing” ng mga sakit para makakubra ng malaki ang ospital o clinic, kasabwat ang ilang empleyado at opisyal.
Loading...
Ang “upcasing” ay ang pagpapalit ng sakit na ilalagay sa record ng miyembro para makasingil ng mas malaki sa PhilHealth, gaya halimbawa ng simpleng ubo ay gagawing pneumonia.
Sinabi ni Go na inatasan siya ng Pangulo noong Sabado para abisuhan ang mga opisyal ng PhilHealth na magsumite ng kanilang resignation letter.
“Ngayong hapon po ay ipapatawag ni Pangulong Duterte ang lahat ng board members ng PhilHealth.
Loading...
Kilala ko po si Dr. Rey Ferrer, nakausap ko po siya noong Sabado ng gabi inutusan po ako ni Pangulong DUterte na sabihan sila na magsumite na lang sila ng kanilang courtesy resignation. Lahat po sila, lahat ng board members ng PhilHealth. Papakinggan po ni Pangulong Duterte ang paliwanag nila,” ani Go.
Pakikinggan aniya ng Pangulo ang paliwanag ng mga PhilHealth officials subalit desidido itong palitan silang lahat.
Umamin aniya si Dr. Ferrer na nalusutan sila kaya nangyari ang malaking pagkawala ng pondo sa PhilHealth.
Loading...
“Sabi naman niya (Ferrer) ay ginawa nila ang lahat. Gumawa sila ng anti-fraud teams na tututok dito sa fraudulent claims, subalit admittedly, sabi niya nalusutan talaga sila,” dagdag pa ni Go.
[SOURCE]- tnt.abante.com.ph
Loading...
Loading...
No comments: